Ang
tulang ito ay nagwagi ng Ikatlong Gantimpala sa timpalak ng tula
sa ginanap na pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Ibajay National High School (INHS)
Ibajay, Aklan noong Agosto 29, 2013
________________________________________________________________
FILIPINO: WIKANG DAPAT
PAHALAGAHAN
Sa milyon-milyong Filipinong may
ibat-ibang hitsura at anyo
Nagkakasalungat sa mga paniniwala
at prinsipyo
At dahil sa iisang wika ay
nagkakabuklod-buklod tayo
Sa ating Inang Wikang Filipino.
Sa dami ng lengguwahe, akalain niyo
ba naman
Sa dami ng rehiyon at binuong
lalawigan
Filipino pa ang pinili, blang wika
ng ating bayan
Dahil ang wika natin ay ang tuwid
na daan.
Dahil kay Manuel L. Quezon, tayo
ngayon ay nagkakaintindihan
Kaya dapat ang wika natin ay
pahalagahan
Dahil ngayon ay marami na tayong
wikang nalalaman
At ang wikang Filipino ay unti-unti
nang nakakalimutan.
Ngayon ang pagsasalita ng Filipino
ay atin nang simulan
Habang tayo ay mga bata pa lamang
Ang pagpapahalaga ng wika natin ay
atin nang pagtulungan
Para sa tuwid na kinabukasan.
- MARY SHIEY M. MANGILAYA
Grade VII, Ibajay National High
School
Ibajay, Aklan