Saturday, July 25, 2015

SanAg11.

Salamat, Lord! Natapos ko na ang introduksiyon ko sa SanAg11. Grabe. Marami pa ang dapat sulatin bago matapos ang buwan ng Agosto. Pagod ako ngunit masaya. Wala akong karapatang magreklamo. Heto ang huling bahagi ng aking introduksiyon--
"Bakit Tayo Nagsusulat ng Kuwento?
O bakit tayo nagsusulat? Ito ang pinakamahalagang itinatanong ko sa aking mga estudyante sa mga unang araw ng klase namin sa malikhaing pagsulat. Paboritong tanong ko rin ito sa mga small group discussion namin sa Iyas National Writers Workshop. Sa tingin ko kasi dapat klaro ito sa bawat manunulat, lalo na sa mga batang manunulat, upang magkaroon ng makabuluhang patutunguhan ang kanilang pagsusulat.
Bakit tayo nagsusulat? Simple palagi ang sagot ko: Dahil tao tayo.
Noong nagsisimula pa lamang akong nagwo-workshop kay Tito Leo (si Dr. Deriada), palagi kong naririnig sa kaniya na ang literatura ay tungkol sa “significant human experience” at ang isa sa mga mahalagang bagay na iniaaalay sa sa atin ng pagbabasa ng literatura ay ang “vicarious experience.” Hindi ko nakakalimutan ang mga ito hanggang ngayon. Ito ang gumagabay sa akin sa pagsusulat ko, sa pagiging kritiko ko, sa pagtuturo ko, at sa pag-edit ko ng mga antolohiya kagaya nitong SanAg."
Ang 12 na Maikling Kuwento:
Ilahas / Leoncio P. Deriada
Balay sang Monyeka / Alice Tan Gonzales
Tuko / Mechelle Salinas Centurias
Paghaead / Shur C. Mangilaya
Venerable Sister / Rolando Saldana
Verbo / Kristian Sendon Cordero
To the Town Hall / Jude Ortega
Norebang / Genevieve L. Asenjo
El Dorado / Oscar P. Solapco, Jr.
Midnight Lovers / Maynard Manansala
Mga Balud / Felino S. Garcia, Jr.
Ang Pintor / John Iremil E. Teodoro


No comments:

Post a Comment